Napauwi ng Pilipinas ng Department of Foreign Affairs, sa pamamagitan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA), ang 1,920 overseas Filipinos mula sa United Arab Emirates sa buwan ng Hunyo.
Kasama sa nasabing bilang ang 347 distressed overseas Filipinos na aalis sa Dubai sa pamamagitan ng DFA special chartered flight sa araw ng Miyerkules, June 30.
Ito na ang ikatlong chartered flight sa buwan ng Hunyo.
Tiniyak ng kagawaran na lahat ng pasahero sa repatriation flights ay dumaan sa RT-PCR test 48 oras bago ang biyahe.
“The Duterte government continues to help our kababayan who are stranded or distressed in the UAE. We have and we will continue mounting chartered flights until we have successfully repatriated those in need,” pagtitiyak ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola.
Dagdag nito, “We wish to assure our distressed kababayan in the UAE that we are not only firming up plans but executing these plans swiftly to bring them home at the soonest possible time, in accordance with the instructions of the President.”