21 pang overseas Filipinos, positibo sa COVID-19
May 21 pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 29, nasa 20,773 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 94 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 7,283 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
27 naman ang bagong gumaling kung kaya umabot na sa 12,261 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Dalawa naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,229 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 11,759 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,552 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 986 naman ang kaso sa Americas at 4,476 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.