Hindi nagsuot ng mask, dalawang lalaki timbog sa P9-M halaga ng shabu

By Jan Escosio June 29, 2021 - 10:23 PM

SPD PIO photo

Ang dapat na simpleng pagsita at pagpapaalala sa dalawang lalaki dahil sa hindi pagsusuot ng mask ay maaring mauwi sa matagal na pagkakakulong.

Nakumpiskahan sa Taguig City ang P9 milyong halaga ng shabu sina Jaime Nepacina at Eskak Kamsa sa Barangay New Lower Bicutan bandang 4:30 ng hapon noong Linggo.

Sa ulat, ipinapatupad ng grupo ni Police Maj. Crisanto Agualin ang Oplan Galugad sa nabanggit na lugar nang mapansin nila sina Nepacina at Kamsa, na kapwa walang suot na mask.

Nang sisitahin na ang dalawa ay biglang tumakbo ang dalawa kayat hinabol sila ng mga pulis hanggang sa mahuli.

Kasunod nito, nadiskubre ang bitbit ng dalawang suspek na 27 piraso ng heat sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 1.35 kilos.

Nakuha rin sa dalawa ang P10,000 at weighing scale na pinaniniwalaang gamit sa pagbebenta ng droga.

TAGS: confiscated shabu, Inquirer News, Radyo Inquirer news, SPD, confiscated shabu, Inquirer News, Radyo Inquirer news, SPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.