Duterte, biglang kambyo sa pahayag kontra US at Australia

By Kathleen Betina Aenlle April 23, 2016 - 04:44 AM

Rodrigo-Duterte-1124Mariing itinanggi ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mga ulat kung saan hinamon niya ang United States at ang Australia na putulin na ang ugnayan sa Pilipinas oras na siya ang mahalal na pangulo ng bansa.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pag-sita sa kaniya ng dalawang bansa kaugnay sa kaniyang kontrobersyal na biro tungkol sa Australian rape victim noong 1989 na si Jacqueline Hammil.

Ayon kay Duterte, wala naman siyang sinabing ganoon, at ipinaliwanag na nagkomento lamang siya sa pakikisawsaw ng mga kinatawan ng dalawang bansa sa mga isyu ng lokal na politika.

Ipinahayag ni Duterte ang kaniyang hamon sa US at Australia kung ipagpapatuloy aniya ng dalawang bansa ang pagbanat sa kaniya sa kontrobersyal niyang biro.

Maraming mamamayan at mga organisasyon sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagalit, napikon at nabastusan sa biro ni Duterte tungkol sa kinahinatnan ni Hammil.

Sa katunayan, isang Australian TV anchor ang naglabas ng kaniyang hinanakit kay Duterte at nanawagan pa sa kaniyang mga manonood na huwag pumunta sa Pilipinas oras na ang alkalde ang sunod na maging presidente.

Sa kaniyang show sa Foxtel Network, nakapagbitiw ng hindi magandang salita si Paul Murray kay Duterte bilang pagka-pikon sa biro ng alkalde.

Ipinakita pa sa kaniyang programa noong April 19 ang video clip ng kontrobersyal na video ni Duterte sa Amorante Stadium.

Kasunod nito, galit na sinabi ni Murray sa mga manonood na oras na mahalal na pangulo si Duterte, punitin na lang nila ang mga tickets patungong Pilipinas at iwasan nang pumunta sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.