Sen. Go, inulit na wala siyang interes na maging pangulo ng bansa

By Jan Escosio June 29, 2021 - 08:12 PM
  • Pagod na pagod na kami ni Pangulong Duterte.

Ito ang sinabi ni Sen. Christopher Go matapos muling ipagdiinan na wala siyang interes na saluhin ang posisyon na hawak ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Many times sabi ko please count me out muna. Kung maari ako na ang pinakahuli sa listahan ninyo kumbaga tira na lang po yung akin. Unahin niyo muna ang mga interesado dahil ako naman po ay hindi interesado,” sabi ni Go.

Reaksyon ito ng senador sa sinabi ni Energy Sec. Alfonso Cusi na 90 porsiyento ng mga miyembro ng PDP – Laban ay suportado ang Go – Duterte tandem sa 2022 elections.

Pagdidiin pa ni Go na nais niyang munang makatulong sa pagharap ng bansa sa krisis na dala ng COVID-19.

Nabanggit din niya na nakausap na niya si Cusi at pinagsabihan na niya ito na ayaw na muna niyang pag-usapan ang politika sa katuwiran na ang atensyon dapat ay nakatuon sa paglaban sa pandemya.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.