Resolusyon para kilalanin ang nagawa ni PNoy sa Pilipinas, inihain sa Senado

Photo credit: Former Pres. Noynoy Aquino/Facebook

Naghain ng resolusyon si Senator Leila de Lima para sa pagpapahayag ng Senado ng pakikiramay at pakikidalamhati sa naiwang pamilya ng yumaong dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Binanggit ni de Lima sa kanyang Senate Resolution No. 764, ang pagmamahal ni Aquino sa bansa at sa sambayan ay hindi lamang katangi-tangi para sundan, kundi dapat din papurihan ang ginawang pamumuno nito.

“President Noynoy Aquino has lived a fulfilled and selfless life that serves as inspiration to all and epitomizes the beast qualtiifes of the Filipino nation—he exuded decency, honor, respect, integrity and morality,” diin niya.

Ayon pa sa senadora, habambuhay na pasasalamatan ng lahing Filipino si Aquino dahil sa paglinis sa korapsyon at maling gawain sa gobyerno.

Dagdag pa ni de Lima, mula sa pagiging ‘Sick Man of Asia,’ dahil sa diskarteng pang-ekonomiya na ginawa ng administrayong Noynoy Aquino ay naging ‘Asia’s Rising Tiger’ ang Pilipinas.

Dapat din aniyang kilalanin ang paninindigan ni Aquino kontra China sa isyu ng pang-aagaw ng teritoryo ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea.

Read more...