Pang-unawa ng publiko, hiniling ng isang kongresista kasunod ng vaccination breach

Umapela si Assistant Majority Leader Juan Fidel Felipe Nograles sa publiko ng pang-unawa kasunod na ng viral video ng vaccination breach.

Kamakailan lamang din ay nag-viral sa social media ang vaccination breach kung saan makikita ang isang healthcare worker na itinurok ang syringe sa pasyente ngunit hindi naman nito nai-press ang plunger na naglalaman ng COVID-19 vaccine.

Dahil agad namang natugunan ng Department of Health (DOH) ang pangyayari, nakikiisa si Nograles sa panawagan ng ahensya para sa pang-unawa ng taumbayan.

Kailangan aniyang mas mag-focus ang bansa sa mga hakbang para makamit ang herd immunity lalo pa’t isolated at bibihira lamang ang mga ganitong insidente.

Batid ng kongresista na balido ang galit at pagkabahala ng publiko ngunit kailangan ring ikonsidera ang posibilidad na pagod na rin ang health workers.

Mas dapat din aniyang bigyang pansin sa insidente ang kapakanan at working conditions ng mga health frontliners.

Mahalaga aniyang maalala na ang healthcare workers ay mga bayani at “first line of defense” sa gitna ng pandemya.

Read more...