Naisakatuparan ito araw ng Biyernes, sa pagtutulungan ng Departments of Justice ng Pilipinas at ng Estados Unidos, at agad itong ipinaalam ng DOJ sa COMELEC.
Sa kumalat na website na wehaveyourdata.com, maaring i-search ang pangalan ng isang botante at tatambad na ang kaniyang mga detalyadong imporamasyon.
Kabilang na rito ang buong pangalan ng botante, address, birthday, birth place, presintong pagbo-botohan at kung kailan nagpa-reshistro.
Sa kabila nito, nakikipatulungan pa rin ang DOJ ng Pilipinas sa US para makuha ang mga breached data sa Cloudflare at GoDaddy.