Vaccine express ni VP Robredo sa VisMin, aarangkada na, Davao City, handa rin isama kung hindi pupulitikahin

By Chona Yu June 29, 2021 - 05:50 PM

Photo credit: VP Leni Gerona Robredo/Facebook

 

Kinumpirma ni Cagayan de Oro City Representative Rufus Rodriguez na pinaplantsa na ang paghahatid sa kanilang lalawigan ng COVID-19 Vaccine Express na programa ni Vice President Leni Robredo kung saan nasa 20,000 drivers ng trisikad, habal habal, motorcycle, jeepney, taxi at maging market vendor ang mabibigyan ng bakuna. Ayon kay Rodriguez, apat na lugar sa CDO ang inisyal na mabibigyan ng bakuna. “Nagmeeting na kami with OVP , ongoing na ang consultation at ang OVP  na ang mag finalize,” paliwanag ni Rodriguez kung saan ang programa ay papalitan ng pangalan at gagawing Bayanihan E-Konsulta. Maliban sa CDO ay handa din ang OVP na dalhin ang vaccine express sa ilan pang lugar sa Visayas at Mindanao maging sa Davao City. Una nang sinabi ni Atty Barry Gutierrez, tagapasalita ni Robredo na handa nilang tulungan din ang Davao sa paglaban nito sa COVID-19 maliban na lamang kung haharangin ni Mayor Sara Duterte at aakusahan ng pamumulitika. “Ever since ginagawa na ni VP ito. Tulong lang. Game si VP na gawin din ito sa Davao— unless pulitikahin na naman siya,” pahayag ni Gutierrez. Ipinunto ni Gutierrez na hindi pamumulitika ang ginagawa ni Robredo taliwas sa akusasyon ni Mayor Duterte bagkus aniya, ang Pangalawang Pangulo ang siyang napupulitika. “Si VP ang pilit hinahatak sa usapin ng pamumulitika habang ang buong focus niya nasa pagtulong. Hindi ito photo op o tarp, hindi pabebe na picture kasama ang mga pulitikong may hawak sa mga lugar na yun,” dagdag pa ni Gutierrez kung saan inihalimbawa nito ang mga COVID-19 programs ng OVP sa Cebu, Tuguegarao, Palawan at iba pang lugar na nakinig umano si Robredo sa mga problema ng tao at humanap ng solusyon para dito. Matatandaan na nagbigay ng suhestiyon si Robredo sa Davao City na gayahin ang sistemang ginawa ng Cebu City para pababain ang COVID cases matapos magtala ang lalawigan ng pinakamataas na kaso sa buong Southern Mindanao noong unang Linggo ng HUnyo. Hindi maluwag na tinanggap ni Mayor Duterte ang payo at sinabihan si Robredo na iwasan ang pagbibgay ng advice kung wala naman itong alam sa kung ano ang nangyayari sa ground. Nilinaw ng kampo ni Robredo na walang political attack sa presidential daughter sa ginawang pagpapayo at walang intensyon na mamulitika. Sina Mayor Duterte at Robredo ay nakikitang pinakamalapit na magkatunggali sa 2022 election, bagamat sinabi ng Pangalawang Pangulo na bukas sya sa  Presidency ngunit wala pang pinal na desisyon sa usapin habang nanindigan naman si Mayor Sara na hindi sya tatakbo sa pangkapangulo.

TAGS: Bayanihan E-Konsulta, Cagayan De Oro, COVID-19 Vaccine Express, Davao City Mayor Sara Duterte, Leni Robredo, rufus rodriguez, Bayanihan E-Konsulta, Cagayan De Oro, COVID-19 Vaccine Express, Davao City Mayor Sara Duterte, Leni Robredo, rufus rodriguez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.