P92-M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasamsam ng BOC

By Angellic Jordan June 29, 2021 - 04:42 PM

Nasabat ng Bureau of Customs Port of Subic, sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), ang dalawang shipment ng smuggled na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P93 milyon noong June 24, 2021.

Sa inilabas na Pre-lodgment Control Order (PLCO), isinailalim sa eksaminasyon ang mga kargamento na hinihinalang naka-consign sa isang Goldlink enterprises.

Nagmula ang kargamento sa China.

Nadiskubre sa eksaminasyon ang 2,050 master cases ng sigarilyo na may tatak na Fortune at Mighty.

Pinaniniwalaang smuggled ang mga sigarilyo dahil sa pekeng tax seals.

Inilabas ang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ng District Collector’s Office laban sa shipment.

Nagsasagawa naman ng mas malalim na imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 1113 na may kinalaman sa Section 1400 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

TAGS: BOC, BOC operation, Inquirer News, Radyo Inquirer news, smuggled cigarettes, BOC, BOC operation, Inquirer News, Radyo Inquirer news, smuggled cigarettes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.