Sa inilabas na US State Department ang advisory sa mga mamamayan nila na ipagpaliban na muna ang pagbiyahe patungo sa Sulu archipelago kung hindi rin lang naman mahalaga.
Ito anila ay dahil sa mataas na banta ng kidnapping na bunsod ng terorismo.
Sakop ng sinasabing Sulu archipelago ang Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Matatandaang kabilang sa mga pinakahuling insidente ng pag-dukot ay ang kaso ng 18 Indonesian at Malaysian na pawang mga pahinante ng maliit na bangka.
Dinukot ang mga banyaga sa tatlong magkakahiwalay na insidente, at ito ang nag-udyok sa Malaysia, Indonesia at Pilipinas na mag-plano ng joint patrols, at mas paigtingin pa ang seguridad sa kanilang mga borders.
Abu Sayyaf ang itinuturong nasa likod ng karamihan sa mga pag-dukot na nagaganap sa Sulu na humihingi ng ransom bilang pangtustos sa kanilang pinapalaganap na terorismo.