Travel ban sa mga biyahero mula India, 4 na bansa, pinalawig pa ng pamahalaan

By Chona Yu June 29, 2021 - 11:51 AM

Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na travel ban sa mga pasahero na galing sa mga bans ana may mataas na kaso ng COVID-19 at may Delta variant.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, iiral ang travel ban hanggang sa July 15.

Sakop ng kautusan ang mga biyahe mula sa United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka, at Bangladesh.

Paliwanag ni Roque, kaya pinalawig ng Pangulo ang travel ban para masiguro na hindi makapapasok sa bansa ang Delta variant na mas mapanganib kumpara sa ordinaryong coronavirus.

Matatandaang hanggang bukas na lamang, June 30 ang travel ban sa mga nabanggit na bansa.

 

 

TAGS: Bangladesh, COVID-19, Delta variant, Harry Roque, India, pakistan, Sri Lanka, travel ban, United Arab Emirates, Bangladesh, COVID-19, Delta variant, Harry Roque, India, pakistan, Sri Lanka, travel ban, United Arab Emirates

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.