Pangulong Duterte nag-sorry sa hindi pagpapayag sa face-to-face classes
Humihingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang kung muling naantala ang pagbubukas ng physical classes o face-to-face classes sa mga estudyante.
Paliwanag ng Pangulo, patuloy pa kasi ang banta sa COVID-19 at ayaw naman niyang malagay sa peligro ang kaligtasan ng mga bata.
“Eh ako naman, naghingi ng patawad sa inyong lahat sa mga nanay, tatay kasi ma-delayed ang edukasyon ng mga bata. Patawarin lang po ninyo ako kasi hindi ko talaga kayang magbigay ng pahintulot na puwede na silang normal sa eskwelahan kasi kung magkadisgrasyahan, buhay ito. Ang ano nito, ang ano is delayed lang ang edukasyon ng bata pero it will normalize one of these days. But I cannot gamble, I said, with the life of our children. Mahirap ‘yan kasi ako ang mananagot sa lahat,” pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na nanghingi na rin siya ng paumanhin kay Education Secretary Leonor Briones.
“Lahat-lahat ng problema sa Pilipinas dito ‘yan sa’tin — the buck stops here. Hindi na ako makaturo ng ibang tao na, “ah siya, siya ‘yon kasi…” Hindi, ako ‘yan eh. Kaya sabi ko kay Secretary Briones, nanghingi rin ako ng paumanhin na I cannot allow ‘yong face-to-face classes, not until I get a clear picture of how this COVID-19 works on the health of other people,” pahayag ng Pangulo.
Sa ngayon, sinabi ng Pangulo na mas makabubuting tingnan muna ang sitwasyon kung huhupa na ang pandemya.
“Tingnan na — tingnan natin ‘yong what’s… Let us see what develops in the other countries na mayroon na talagang — mayroon ng epidemic with another ano. Hindi pa naman pandemic ‘yan eh. Itong 19, how it will roll out sa buhay ng isang tao. So ‘yon lang,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.