Peter Lim ipinalalagay sa red notice list ng Interpol

Hihilingin ng Department of Justice (DOJ) sa Interpol na ilagay sa red notice list ang kumpare ni Pangulong Rodrigo Duterte at indicted drug lord na si Peter Lim.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ito ay para mabatid kung nakalabas na ng bansa si Lim.

Pero sa ngayon, base sa record ng Bureau of Immigration, walang departure record si Lim.

Mayroong hold departure order si Lim noon pang 2018.

Si Lim ay may patong sa ulo na P500,000 para sa sino mang magtuturo para sa kanyang ikaaresto.

 

Read more...