Mga naninirahan sa ilalim ng tulay sa Qc, pinabibigyan ng bahay ni Pangulong Duterte
Bibigyan ng pabahay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga informal settler na nakatira sa ilalim ng tulay sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City.
Ito ay mataposidulog ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang problema ng mga reisdenteng naninirahan sa ilalim ng tulay.
Ayon sa Pangulo, kinausap na niya ang National Housing Authority para pagtayuan ng bahay ang mga taga-Brgy. Holy Spirit.
“Nag-promise ako na dahil sa intervention mo, eh nagpadala kaagad ako ng urgent message sa NHA to build the necessary houses. Iyong kailangan lang kagaya ng… Unahin ko lang itong nasa ilalim ng tulay. Tama ‘yon. Tama ‘yong communication mo sa akin. Iyong narratives natin ‘yong araw na ‘yon, para sa akin unahin natin ‘yong nakatira sa ilalim ng tulay at kung ano saan man kayo naroroon, paalamin lang ninyo at gagawa tayo ng mga bahay,” pahayag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, hindi niya kayang bigyan ng bahay ang lahat ng mga informal settler dahil wala namang sapat na pondo ang pamahalaan.
“Hindi ko lahat mabigyan, mga kababayan ko, kasi wala ho tang — wala naman ganoong karaming pera, materials, at trabahante. Eh ‘yong mismong panday na maggawa niyan…
Look, we will just able to finish the housing projects,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.