Hinihikayat ni Senator Leila de Lima ang sambayanan na ipaglaban sa integridad ng Pilipinas sa pamamagitan nang pagboto ng mga tamang kandidato sa eleksyon sa susunod na taon.
Bilin nito, hindi na dapat pang magluklok ng mga kandidato na hindi kayang panindigan ang integridad ng Pilipinas laban sa ibang bansa.
Binanggit nito si Pangulong Rodrigo Duterte na tila binabalewala ang patuloy na panghihimasok ng China sa West Philippine Sea, na malinaw na teritoryo ng Pilipinas.
“Recently, instead of de-escalating brewing tensions in international waters, Duterte’s Beijing friends sent more ships to our Exclusive Economic Zone (EEZ), further robbing our fishermen of their livelihood, destroying our marine resources and negatively impacting our economy,” diin ng senadora.
Aniya sa tila pagyuko na ng gobyerno sa China, nasa kamay na ng sambayanan ang pakikipaglaban para sa integridad at dangal ng bansa.
“To those who still haven’t, please register to vote now. Let us vote for our national sovereignty. Let us vote for our territorial integrity. Let us vote for the protection of our rights. Iboto natin ang poprotekta sa kabuhayan ng mangingisdang Pilipino at dedepensa sa dangal ng Pilipinas,” apila ni de Lima.