440, 155 katao nabakunahan na kontra COVID-19 sa Maynila

By Chona Yu June 29, 2021 - 08:55 AM

Pumalo na sa 440,155 katao ang nakatanggap ng first dose ng bakuna kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, sa naturang bilang, nasa 158, 260 naman ang fully vaccinated na.

Kabilang sa mga naturukan na ang mga health workers, senior citizens, persons with comorbidities, essential workers at indigent persons.

Ayon kay Mayor Isko, tuloy ang pagbabakuna sa lungsod ng Maynila para maabot ang target na population protection.

Matatandaang kamakailan lamang, natanggap na ng lungsod ng Maynila ang biniling 400,000 doses ng bakuna na gawa ng Sinovac mula sa China.

TAGS: COVID-19, Isko Moreno, vaccine, COVID-19, Isko Moreno, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.