Duterte kay Pacquiao: Maglista ka ng mga corrupt!

By Chona Yu June 29, 2021 - 08:15 AM

Binatikos at hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao na ilista at  pangalanan ang mga tao at ahensya ng gobyerno na sangkot sa korupsyon.

Tugon ito ni Pangulong Duterte sa pahayag ni Pacquiao na tatlong beses na mas malawak ang korupsyon sa administrasyong Duterte kumpara sa mga nagdaang administrasyon.

Ayon sa Pangulo, kapag walang naibigay na pangalan si Pacquiao na mga opisyal o opisina na sangkot sa korupsyon, ikakampanya niya sa susunod na eleksyon na huwag iboto si Pacquiao dahil sa pagiging sinungaling.

Ayon sa Pangulo, ipangangalandakan niya sa sambayanan na katulad lamang si Pacquiao sa ibang pulitiko na walang ibang ginawa kung hindi ang pumuna.

Sa pagkakaalam ng Pangulo, ang Department of Public Works and Highways ang kilalang corrupt na opisina.

Pero nalinis na niya ito at marami na ang nasibak.

Nakapagtataka ayon sa Pangulo dahil dati ay puro papuri sa kanya si Pacquiao pero ngayon ay panay batikos na ngayon.

“Kagaya ni Pacquiao, salita nang salita na three times daw tayo mas corrupt. So I am challenging him, ituro mo ang opisina na corrupt at ako na ang bahala. Within one week may gawain ako,” pahayag ng Pangulo.

“Maglista ka, Pacquiao, at sinasabi mong two times kaming corrupt, ilista mo ‘yong mga tao at opisina — at dapat nilista mo na ‘yon at ibigay mo sa akin. ‘Di ba ang sabi ko noon, if you come to know that there is a corruption, let me know. Give me the office and the… Ganoon ang dapat ginawa mo. Wala ka naman sinabi noong all these years, puro ka praises nang praises sa akin tapos ngayon sabihin mo corrupt,” dagdag ng Pangulo.

Isa si Pacquiao sa mga pumuporma na kumandidatong pangulo ng bansa sa 2022 elections.

“Kung hindi, namumulitika ka lang and I would say na… I will be — if you fail to do that, I will campaign against you because you are not doing your duty. Do it because if not, I will just tell the people: “Do not vote for Pacquiao because he is a liar.” At saka madali parang — parang carabao na kung saan niyo na lang bibirahin, pupunta doon. I am not questioning your ability intellectually or what. But ‘pag hindi mo nagawa ‘yan, araw-arawin kita, I will expose you as a liar,” pahayag ng Pangulo.

 

 

 

TAGS: 2022 Presidential elections, liar, manny pacquiao, Rodrigo Duterte, 2022 Presidential elections, liar, manny pacquiao, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.