USAID, naglunsad ng P1.6-B project para sa pagsusulong ng clean energy sa Pilipinas
Naglunsad ang U.S. government, sa pamamagitan ng U.S. Agency for International Development (USAID), ng proyekto para suportahan ang energy sector sa Pilipinas.
Nagkakahalaga ang five-year project ng P1.6 bilyon o katumbas ng $34 million.
Kasama sina U.S. Embassy Chargé d’Affaires John Law, USAID Philippines Acting Mission Director Sean Callahan at Philippine Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi sa isinagawang virtual Memorandum of Understanding signing.
Sa pamamagitan ng Energy Secure Philippines Project, makikipagtulungan ang Amerika sa gobyerno ng Pilipinas at private sector partners upang mapabuti ang kahusayan ng energy utilities at kompetisyon sa power sector, pag-deploy ng renewable energy systems, at solusyunan ang energy sector cybersecurity.
Gagamitin din ng U.S. government ang humigit-kumulang P36 bilyon, o katumbas ng $740 million, sa private sector investment para tulungan ang 500 megawatts ng clean energy generation capacity.
“We look forward to building and sustaining new partnerships with diverse stakeholders across the energy sector whose collective efforts are required for a more competitive and advanced energy sector,” pahayag ni Law.
Positibo naman si Cusi sa magiging epekto ng proyekto sa energy sector sa bansa.
“The ESP will provide a wealth of opportunities for the DOE, as we reevaluate the appropriateness of our current policies vis-à-vis our country’s energy goals,” saad ng kalihim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.