7 sundalo sugatan sa engkwentro sa Abu Sayyaf sa Sulu

PatikulNasugatan ang pitong sundalo matapos makasagupa ang mga miyembro ng rebeldeng Abu Sayyaf sa bayan ng Patikul sa lalawigan ng Sulu kaninang umaga.

Ayon kay Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command, pawang mga tauhan ng Philippine Marine ang nakasagupa ng mga Abu Sayyaf.

Ang naka-engkwentrong grupo ng mga sundalo ay pawang tagasunod ni Abu Sayyaf leader Hairullah Asbang.

Sinabi ni Tan, nagsasagawa ng road security operations ang mga sundalo nang makasagupa nila ang mga bandido./Inquirer Mindanao

 

Read more...