BREAKING: Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 1.40-M na; 5,604 ang bagong naitala

Lagpas 5,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (June 28), pumalo na sa 1,403,588 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 52,029 o 3.7 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 5,604 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

90.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.0 porsyento ang asymptomatic; 1.49 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 84 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 24,456 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 6,154 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,327,103 o 94.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...