Sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang araw ng Linggo (June 27, 2021), nasa kabuuang 10,065,414 na ang naiturok na bakuna laban sa nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 7,538,128 ang nabigyan ng first dose habang 2,527,286 ang naturukan ng second dose.
Nasa 236,867 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na pitong araw.
Patuloy namang hinihikayat ng gobyerno ang mga kabilang sa A1 hanggang A4 priority groups na magpabakuna na.
Pinaalalahanan din ang mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.
MOST READ
LATEST STORIES