Bilang ng fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 2.52-M na

By Angellic Jordan June 28, 2021 - 01:38 PM

Umabot na sa higit 10.06 milyon ang bilang ng mga naiturok na bakuna kontra sa COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang araw ng Linggo (June 27, 2021), nasa kabuuang 10,065,414 na ang naiturok na bakuna laban sa nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 7,538,128 ang nabigyan ng first dose habang 2,527,286 ang naturukan ng second dose.

Nasa 236,867 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na pitong araw.

Patuloy namang hinihikayat ng gobyerno ang mga kabilang sa A1 hanggang A4 priority groups na magpabakuna na.

Pinaalalahanan din ang mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.

TAGS: covid 19 vaccine, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Radyo Inquirer news, covid 19 vaccine, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.