18 barangay chairman sa Maynila, binigyang pagkilala

By Chona Yu June 28, 2021 - 02:51 PM

Manila PIO photo

Binigyang pagkilala ni Manila Mayor Isko Moreno ang 18 outstanding barangay chairmen.

Ito ay dahil sa pagsusumikap ng barangay chairmen na maayos na matugunan ang pandemya sa COVID-19 sa kani-kanilang komunidad.

Ayon kay Mayor Isko, malaki ang naging papel ng barangay chairmen para maipatupad ang mga health protocols kontra COVID-19.

“Noong nakaraang linggo ay ginanap ang Araw ng Maynila at isa sa mga sektor na binigyan ng pagkilala ay ang barangay, kaya ngayong araw na ito ay bibigyan natin ng pagkilala ang labingwalong punong barangay,” pahayag ni Mayor Isko.

“Ang barangay ay malaking factor ng tagumpay ng isang lokal na pamahalaan sa pagsagupa, labanan, at mapagtagumpayan natin ang laban sa COVID-19,” dagdag ng alkalde.

Ayon kay Mayor Isko, dapat isipin ng mga opisyal ng barangay na sa kanila umaasa ang publiko.

“Kaya kayo na naririto, mga kapwa kong kawani ng pamahalaang lungsod, mag-iingat kayo. Hindi ko ito kayang mag isa, kailangan ko kayo, kailangan ang bawat isa sa inyo na tumungo sa direksyon kung saan ang dahilan, the reason of our existence in government service is public service,” pahayag ni Mayor Isko

“Doon kayo tumungo, bahagi tayo ng pamahalaan, maglingkod tayo sa bayan. Inaasahan ko kayo. Walang inaasahan ang tao ngayon kung hindi ang pamahalaan, tayo lang ang takbuhan ng mamamayan sa mga panahon ngayon, sa kalagitnaan ng pandemya,” dagdag ng alkalde.

Kabilang sa mga pinarangalan sina:

District 1
1. Dale P. Evangelista – Brgy. 56
2. Joel D. Gungon – Brgy. 117
3. Rodrigo A. Aniban Jr. – Brgy. 126

District 2
4. Michael Jordan G. Castillo – Brgy. 160
5. Lourdes S. Gutierrez – Brgy. 163
6. Ramon D. Perez – Brgy. 256

District 3
7. Roderick P. Bautista – Brgy. 272
8. Ariel D. Sierda – Brgy. 303
9. Victoria Grande – Brgy. 377

District 4
10. Leninsky I. Bacud – Brgy. 435
11. Evelyn E. de Guzman – Brgy. 451
12. Jerome C. Chua – Brgy. 585

District 5
13. Geraldine R. Sia – Brgy. 674
14. Ariel L. Dakis – Brgy. 731
15. Rutchie V. Atienza – Brgy. 810

District 6
16. Jonathan T. Garzo – Brgy. 604
17. Danilo A. San Bueno – Brgy. 635
18. Michi R. Castro – Brgy. 841

TAGS: barangay chairman, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, barangay chairman, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.