Ilang senador binaril ang ideya ni Pangulong Duterte na pag-aarmas ng mga sibilyan

By Jan Escosio June 28, 2021 - 10:46 AM

Kapwa naging hepe ng pambansang pulisya, ngunit magkaiba ang posisyon nina Senators Panfilo Lacson at Ronald dela Rosa ukol sa ideya ni Pangulong Duterte na pag-aarmas ng mga sibilyan sa bansa.

Sinabi ni Lacson na lubhang mapanganib ang ideya dahil maaring magresulta ito sa mas maraming krimen at aniya kulang sa pagsasanay sa paggamit ng armas ang mga sibilyan.

Ayon kay Lacson ang nararapat ay higpitan pa ang ‘gun control measures’ sa bansa.

Wala naman nakikitang problema si dela Rosa sa ideya ni Pangulong Duterte at sinabi lang niya na dapat ay istriktong pangasiwaan ang pag-aari at paggamit ng baril ng mga sibilyan.

Sinabi naman ni Senate Presidente Vicente Sotto III hindi sapat ang pagpapalabas lang ng executive order para sap ag-aarmas ng sibilyan at aniya ang kailangan ay amyendahan ang Firearms Law sa bansa.

Kontra din si Senate Minority Leader Frank Drilon sa nasabing ideya ni Pangulong Duterte.

Halos katulad naman ng posisyon ni Lacson ang posisyon ni Sen. Koko Pimentel.

“On the contrary, rules on gun ownership must be made stricter. The laws against unlicensed firearms must be strictly enforced. Train the police better. Hire more policemen if necessary,” ayon kay Pimentel.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.