Dapat madaliin ang proseso ng pagpapalabas ng calamity fund ayon kay Tolentino
Pinuna ni independent senatorial candidate Francis Tolentino ang masalimuot na proseso sa pagpapalabas ng calamity fund tuwing election period.
Aniya sa sitwasyon ngayon na malaki na ang idinudulot na pinsala ng El Niño dapat ay agad na naipapalabas sa LGUs ang pondo.
Aniya nakasaad kasi sa Omnibus Election Code na bawal ang pagpapalabas ng pampublikong pondo kasama na ang emergency calamity fund.
Sinabi nito na itutulak niya ang pag-amyenda sa election code para mapabilis ang pagpapalabas ng calamity fund kahit election period.
Dagdag pa nito dapat ay nagbibigay ng exemptions ang regional offices ng Comelec para maipalabas ang pondo sa mga apektadong lugar.
Sa ngayon aniya ay 23 probinsiya na ang dumaranas ng matinding tagtuyot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.