24-hour vaccination uubra kung marami ng COVID 19 vaccines – Galvez
Hindi pa nakikita ni vaccine czar Carlito Galvez ang pagdami ng 24-hour vaccination dahil sa limitado pa rin ang suplay sa bansa ng COVID 19 vaccines.
Ayon kay Galvez iilan pa lang lokal na pamahalaan ang nakakapagkasa ng 24-hour vaccination.
Katuwiran pa nito maraming healthcare workers ang may duty pa rin sa mga ospital at pasilidad kayat hindi pa kakayanin magkasa ng buong araw at buong gabi na pagpapabakuna.
Sa ngayon, ayon pa kay Galvez, ay walo hanggang 10 oras sa isang araw pa rin ang pagbabakuna o may mga inaabot pa ng hanggang alas-10 ng gabi.
Sakali naman dumami na ang suplay, sinab ng opisyal maari na silang magpakasa ng expanded vaccination na 24 oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.