Mahigit 56M na balota, ibibiyahe na mula sa Lunes

Twitter Photo/Dir. James Jimenez
Twitter Photo/Dir. James Jimenez

Nakatakda nang ibiyahe sa iba’t ibang lugar sa bansa ang mahigit 56 million na mga balota na gagamitin sa May 2016 elections.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista, natapos na nila ang pagproseso sa mga naimprentang balota kaya maari nang umpisahan ang pagbiyahe sa mga ito sa Lunes, April 25.

Natapos ng Comelec ang verification process sa mga balota, tatlong araw na mas maaga sa scheduled deadline.

“Today, we were already able to complete the verification process three days before the scheduled deadline,” ani Bautista.

Isinailalim sa verification process ang lahat ng balota para matiyak na ang mga ito ay binabasa at tinatanggap ng vote counting machines (VCMs).

Sa Lunes din sisimulan ang pag-deliver sa iba pang election paraphernalia.

Ayon kay Bautista, uunahin muna ang delivery ng mga balota at mga kagamitan sa mga malalayong lugar.

 

Read more...