6,871 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Pilipinas

Aabot sa 6,871 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Base sa pinakahuling talaan ng Department of Health, nasa 1,391,911 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit.

Sa naturang bilang, 1,314,220 ang bilang ng mga gumaling.

Nasa 92 katao naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi. Sa kabuuan, nasa 24, 244 ang kabuuang bilang ng mga namatay.

 

Read more...