Maglalabas ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ng commemorative stamp bilang pagkilala sa mga nagawa ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Base sa Facebook post ng PHLPost, nakikiramay ang kanilang hanay sa pangunguna ni Postmaster General Norman “Mr. Postman” Fulgencio sa pagpanaw ng dating Pangulo.
“The Post Office is now preparing to release a commemorative stamp in honor of his significant contribution and service to the country,” pahayag ng PHL Post.
Pumanaw ang dating Pangulo noong June 24 sa edad na 61 dahil sa renal disease secondary to diabetes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.