Hinikayat ni Senador Bong Go ang mga seafarers na magpabakuna na kontra COVID-19.
Sa pagdalo ni Go sa vaccination rollout sa mga seafarers sa Intramuros, Manila kahapon, sinabi nito na hindi lang kasi ang kanilang sarili ang mabibigyang proteksyon laban sa virus kundi maging ang kanilang mga pamilya.
Kasabay nito, binigyan ni Go ng ayuda ang 550 seafarers.
Kabilang na ang libreng pagkain at food packs.
“Dapat magpabakuna na kayo. Kaya po hinihikayat ko ‘yung mga kababayan natin kung mahal niyo po ang inyong mga pamilya, mahal niyo po ang inyong mga anak, dapat po protektado kayo ng bakuna. Ang bakuna lang po ang tanging solusyon o susi para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” pahayag ni Go.
Pinaghirapan aniya ng gobyerno na makakuha ng bakuna kontra COVID-19.
“Ang amin po dito, gusto namin protektahan niyo po ang mga seafarers kaya pinaglaban natin, along with Secretary (Carlito) Galvez na malagay po kayo sa priority list kasi po kayo ‘yung napapalayo dito sa ating bansa para magtrabaho, kaya dapat protektado kayo,” pahayag ni Go.