Dalawang retiradong BI officials, isang pulis, hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo ng Sandiganbayan

By Chona Yu June 26, 2021 - 01:36 PM

Convicted sa kasong plunder ang dalawang dating opisyal ng Bureau of Immigration at isang retiradong pulis.

Ito ay dahil sa pangingikil sa isang negosyanteng Chinese na si Jack Lam noong 2016.

Reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilanggo ang naging hatol ng Sandiganbayan kina dating BI commissioners Al Argosino at Michael Robles at retiradong pulis na si Wally Sombero.

Nangikil ang tatlo ng P50 milyong sa gambling tycoon na si Jack lam  kapalit ng pagpapalaya sa 1,316 na Chinese na illegal na nagtatrabaho sa Fontana, Pampanga.

Matatandaang umaktong middleman si Sombero nang ibigay ang limpak-limpak na salapi kina Argosino at Robles sa isang casino sa Parañaque City.

Nahuli sa CCTV ang pag-aabot ng per ana nakalagay sa tatlong pirasong paper bag.

 

TAGS: Al Argosino, graft, guilty, Jack Lam, Michael Robles, reclusion perpetua, sandiganbayan, Wally Sombero, Al Argosino, graft, guilty, Jack Lam, Michael Robles, reclusion perpetua, sandiganbayan, Wally Sombero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.