Disenteng lider, dignidad ng tao pinakamagandang eulogy tribute kay dating Pangulong Aquino

Photo by Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Best eulogy tribute para kay dating Pangulong Benigno Aquino III na ma-recover at ma-preserve ang pagkakaroon ng disenteng  lider ng bansa at dignidad ng taong bayan.

Sa homiliya ni Archbishop Socrates Villegas sa misa para sa dating Pangulo, sinabi nito na marami nang eulogy ang naibigay kay dating Pangulong Aquino. Pero ang pinakamagandang eulogy aniya ay maibalik ang kaayusan sa bansa.

Sinabi pa ni Archbishop Villegas na ang paglalagay ng watawat ng Pilipinas sa half-mast ay hindi lamang dahil sa pagpanaw ni dating Pangulong Aquino kundi pati na rin sa namamatay na disenteng gobyerno.

“Kung nagulat tayo sa kanyang biglang pagpanaw, magmasid tayo sana sa buong bansa. Hindi ba dapat din tayong magulat sa nagaganap sa ating paligid?” pahayag ng Arsobispo.

Umaasa si Archbishop Villegas na ang pagpanaw ng dating Pangulo ay magsilbi sanang alab sa bawat is ana ibalik ang desente at integridad sa bansa.

“What a brave headstrong visionary he was, visionary na matigas ang ulo. Sayang. He still had so much to teach us about decency and integrity. He still had so much to teach us about good governance and professionalism,” pahayag niA rchbishop Villegas.

 

 

Read more...