AFP magsasagawa ng sabayang gun salutes para kay dating Pangulong Aquino
Magsasagawa ng sabayang gun salutes ang Armed Forces of the Philippines ngayong araw.
Ito ay bilang pagbibigay pugay sa namayapang si dating Pangulong Benigno Aquino III.
Ayon kay AFP Deputy Chief of Staff for Operations Major General Edgardo de Leon, isasagawa ang sabayang gun salutes sa mga military camps sa National Capital Region at iba pang mga kampo.
Ayon kay de Leon, isasagawa ang gun salute oras na umalis ang sasakyan na paglalagyan ng abo ng dating Pangulo sa Church of Gesu sa Ateneo de Manila University sa Quezon City patungong Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City.
Ayon kay de Leon isasagawa ang artillery guns sa Camp Aguinaldo, Fort Bonifacio, Fort Abad, at Villamor Air Base na mayroong isang minutong interval.
Sa libingan naman aniya sa Manila Memorial Park isasagawa ang 21 gund salute bago itupi ang watawat ng Pilipinas at ibigay sa pamilyang naulila ng dating Pangulo.
Kapag naibigay na aniya ang watawat sa pamilya Aquino, magsasagawa ng gun salute ang mga military camp sa Philippine Military Academy, Northern Luzon Command, Southern Luzon Command, Western Command, Central Command, Eastern Mindanao Command at Western Mindanao Command.
Magsasagawa aniya ang AFP ng 30 araw na pagluluksa habang ang mga sundalo ay magsusuot ng “Badge of Mourning” sa kaliwang braso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.