(Malacanang photo)
Dumating na sa bansa ang 301 distressed overseas Filipino workers mula sa Saudi Arabia.
Sinalubong ang mga OFW nina Presidential Assistant on Foreign Affairs and Special Envoy Robert Borje, at Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Arriola.
Kasama sa mga umuwing OFW ang anim na sanggol.
Dumating ang mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sakay ng Philippine Airlines chartered flight.
Umuwi ang mga OFW matapos mawalan ng trabaho sa Saudi Arabia dahil sa pandemya sa COVID-19.
Base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, agad na binigyan ang mga OFW ng tig P10,000.
Agad na sumailalim sa mandatory medical tests ang mga OFW bago nagtungo sa kani-kanilang quarantine facilities.
MOST READ
LATEST STORIES