Aabot sa halos 1,000 pulis ang itinalaga ng Philippine National Police para sa pagpapanatili ng peace and order sa libing ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Ayon kay PNP chief General Guillermo Eleazar, kabilang sa mga binabantayan ngayon ng mga pulis ang Ateneo de Manila University at Times Street sa Quezon City pati na sa Manila Memorial Park kung saan ihahatid sa huling hantungan ngayong araw ang dating Pangulo.
Bukod sa mga pulis, sinabi ni Eleazar na mayroong 100 tauhan ng Metro Manila Development ang tutulong sa kanilang hanay.
Maging ang mga tauhan ng Highway Patrol Group ay tumutulong sa pangangasiwa sa daloy ng trapiko para maging maayos ang paghahatid sa huling hantungan.
Dadaan ang funeral convoy sa C5 Road, South Luzon Expressway hanggang sa Manila Meorial Park sa Sucat, Parañaque City.
Hinikayat naman ni Eleazar ang mga makikilibing na sumunod sa mga health protocols gaya ng social distancing para makaiwas sa COVID-19.