Japan magbibigay ng isang milyong AstraZeneca vaccines sa Pilipinas
Magbibigay ng isang isang milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang bansang Japan sa Pilipinas.
Ayon sa ulat, gawang AstraZeneca ang ibibigay na bakuna.
Bukod sa Pilipinas, bibigyan din ng Japan ng tig-isang milyong doses ang Thailand, Malaysia at Indonesia.
Bibigya din ng Japan ng tig-daawang milyong doses ng AstraZeneca ang Taiwan at Vietnam.
Nabatid na ang pagbibigay ng Japan ay bahagi ng scheme ng COVAX na hinihikayat ang mga mayayamang bans ana tumulong sa iba para mapunan ang 200 million dose shortfall.
Una rito, nagbigay ang Japan ng isang bilyong dolyar at 30 milyong doses sa COVAX facility.
Nais ng Japan na ipamahagi ang kanilang ayuda sa mga kapitbahay na bansa sa Asya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.