Sisimulan na ng DOTC ang pag-assemble sa dalawa pang dagdag na tren ng MRT

By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2016 - 03:56 PM

Photo from DOTC
Photo from DOTC

Nakatakda nang umpisahan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang pag-assemble sa dalawa pang bagong tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ang bagong tren na sisimulang i-assemble sa Linggo ay bahagi ng 48 bagong light rail vehicles (LRVs) ng MRT-3.

Dahil dito, nagpa-abiso ang DOTC sa mga motorista sa posibleng abala sa traffic na idulot ng gagawing pag-assemble sa bahagi ng Taft.

Ayon sa DOTC, isasara nila ang innermost lane ng EDSA southbound malapit sa EDSA at Taft Avenue intersection simula sa Sabado alas 10:00 ng gabi hanggang sa alas 12:00 ng tanghali sa Linggo.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga motoristang dadaan sa lugar.

Sa sandaling matapos na ang pag-assemble, isasailalim naman sa pagsusuri ang electrical at iba pang components ng tren at saka ito idadaan sa static at dynamic tests.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.