DPWH magkakaroon muli ng road repair at reblockding sa EDSA, C5 sa weekend
Magkakaroon muli ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road maintenance works sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) at Circumferential Road 5 (C-5) ngayong weekend.
Ayon sa MMDA, magsisimula ang road repair sa 11:00, Biyernes ng gabi (June 25).
Narito ang mga aayusing kalsada: 1. Bahagi ng EDSA malapit sa corner Kaingin Road, Quezon City
2. C5 Road- bago ang P. Tuazon (second lane mula sa sidewalk); Before B. Serrano (third lane mula sa sidewalk)
3. C5 Road bago ang Rajah Matanda (third mula sa sidewalk)
Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.
Muling bubuksan ang mga apektadong kalsada sa 5:00, Lunes ng madaling-araw, June 28.
Samantala, magsasagawa rin ang Manila Water Company ng leak repair, maintenance at rehabilitation works sa Katipunan Avenue corner Aurora Boulevard, Loyola Heights mula June 26 hanggang July 18.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.