Ecuador muling niyanig ng malakas na lindol

AP Photo
AP Photo

Halos isang linggo matapos ang malakas na lindol na ikinamatay ng halos limang daang katao, muling tinamaan ng malakas na pagyanig ang Ecuador.

Ayon sa USGS, patuloy na nakakaramdam ng malalakas na aftershocks ang Ecuador.

Pinakahuli ang magnitude 6 na pagyanig na tumama sa 33 kilometers north-northwest ng Bahia de Caraquez kanina.

Naganap ang aftershock sa labas ng Pacific Ocean dakong alas 10:00 huwebes ng gabi sa Ecuador o alas 11:00 ng umaga oras sa Pilipinas.

Wala pa namang naiulat na casualties o pinsala bunsod ng lindol.

Nagpapatuloy pa ang relief efforts sa Ecuador dahil sa dami ng mga napinsalang bahay nang tumama ang magnitude 7.8 na lindol.

 

Read more...