Daang Matuwid nickname nina Roxas at Robredo sa COC, labag sa batas ayon sa grupong Kontra Daya

By Erwin Aguilon April 22, 2016 - 01:43 PM

Inquirer Photo/Noy Morcoso
Inquirer Photo/Noy Morcoso

Inireklamo ng isang grupo sa Commission on Elections (Comelec) ang paggamit ng mga manok ng Liberal Party (LP) ng nickname na “Daang Matuwid”.

Base sa 5-pahinang reklamo ng grupong Kontra Daya, hinilng nito sa Comelec na ipatanggal lahat ng billboard ng gobyerno at iba pang paraphernalia na may katagang “Daang Matuwid”.

Sinabi ng grupo na maituturing itong illegal campaign materials.

Ayon kay UP Professor Danilo Arao, convenor ng Kontra Daya, nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Comelec legal department at ang en banc matapos na payagan ang paggamit nina LP standard bearer Mar Roxas at Rep. Leni Robredo sa nickname na Daang Matuwid.

Paliwang ng grupo, nalalabag sa paggamit ng nickname ang rule 2 section 4 at 5 at section 7 ng Comelec Resolution 9984 dahil malinaw anila na hindi naman kilala sina Roxas at Robredo sa tawag o alyas na Daang Matuwid.

Naniniwala ang Kontra Daya na ang paglalagay sa balota ng Daang Matuwid bilang nickname ng pambato ng partido liberal at ang patuloy na paggamit nito bilang slogan sa mga proyekto ng gobyerno ay hindi lang paglabag sa Fair Elections Act kundi pag-eendorso rin ng dayaan sa halalan.

Ayon sa grupo, mistula kasing pag-eendorso ito ng paggamit ng pondo ng gobyerno sa partisan political activity.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.