Resulta ng COVID 19 saliva tests ng Red Cross kasama na sa datos ng DOH

Kinumpirma ni Senator Richard Gordon na kasama na sa official laboratory results ang resulta ng saliva tests na isinasagawa ng Philippine Red Cross (PRC).

 

“One good news is that our saliva test is not only recognized by the DOH but is also now included in the official count because it is very very accurate,” sabi ni Gordon, ang chairman at chief executive officer (CEO) ng PRC.

 

Sinimulan ang pagsasagawa ng saliva RT-PCR test noong Enero at ito ay mas mura at mabilis kumpara sa swab test.

 

Sa ipinalabas na memorandum ni Health Usec. Rosario Vergeire na may petsang Hunyo 14, inaprubahan na ang paggamit ng dura bilang alternative specimen sa RTC – PCR testing.

 

Samantala, ibinahagi ni Gordon na higit 3.3 milyon testing na ang naisagawa ng Red Cross at 23 porsiyento ito ng kabuuang bilang ng nagawang tests sa buonmg bansa.

 

Higit pa ito sa 534,472 na nagawa ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM.

 

May 13 molecular laboratories ang PRC na kayang magsagawa ng humigit kumulang 46,000 tests kada araw.

Read more...