Sinabi ni Calixto – Rubiano na kailangan nilang gawin ito dahil malapit lamang sila NAIA.
Aniya nakipag-ugnayan na sila sa pambansang gobyerno na sabihan sila kapag natapos na ang 10-day quarantine ng returning Filipinos sa mga hotel.
Katuwiran nito, sila na ang mag-monitor sa mga balikbayan at OFWs sa natitirang apat na araw ng quarantine period para masiguro na hindi kakalat ang Delta variant sa Metro Manila.
Nabanggit niya na hiniling na rin ng Metro Manila Council (MMC) ang pagtatalaga ng mga pulis sa mga hotel na may balikbayan at OFWs para matiyak na hindi sila lalabas sa loob ng 10-day quarantine period.
Sa ngayon ay ikinakasa ng pamahalaang-lungsod ang pinaigting na contact tracing, gayundin ang prevent-detect-isolate-treat and reintegrate (PDITR) system para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa lungsod at Metro Manila.