Banta ni Pangulong Duterte na ‘kulong o bakuna’ walang basehan – Sen. de Lima

Walang krimen kung walang batas na magpaparusa.

Ito ang sinabi ni Sen. Leila de Lima kaugnay sa binitiwang banta ni Pangulong Duterte na aarestuhin ang mga tatanggi na maturukan ng COVID 19 vaccine.

Aniya kahit sinong 1st year law student ay alam ang doktrinang ‘Nullum crimen sine lege’ o walang krimen kung walang batas na magpaparusa.

Sinabi pa niya na sinoman awtoridad na susunod sa nais ni Pangulong Duterte ay maaring kasuhan ng unlawful arrest base sa Article 269 ng Revised Penal Code.

“Before he brags about being a lawyer, he should first know the law. Last we checked it is still Rule of Law here in the Philippines, not Rule of Duterte,” diin ng senadora.

Dagdag pa ni de Lima makakabuti kung gagayahin na lang ni Pangulong Duterte si Vice President Leni Robredo sa pakikiusap nila sa mamamayan na magbakuna ng walang halong anuman pagbabanta.

Read more...