Target na herd immunity posibleng mapalawig sa 2022 – Duque
Hindi isinasantabi ni Health Secretary Francisco Duque III ang posibilidad na hindi maabot ngayon taon ang target na ‘herd immunity’ sa Pilipinas.
Aniya ito naman ay depende pa rin sa magiging suplay sa bansa ng COVID 19 vaccines at ayon kay Duque ang ‘target extension’ ay maaring sa Enero lamang ng susunod na taon.
Sinabi niya na aabutin lang ng 140 araw para abutin ang ‘herd immunity’ na 70 milyon indibiduwal kung makakapagbakuna ng kalahating milyong Filipino kada araw.
Noong nakaraang Miyerkules, nabakunahan sa buong bansa ang 350,000 indibiduwal.
Ngayon buwan, tinatayang higit 10 million doses ng COVID 19 vaccines ang darating sa bansa at karagdagang 11.67 milyon sa susunod na buwan.
Sinabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na 25 porsiyento ng mga darating na bakuna ngayon buwan ay ipamamahagi sa Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.