IRR ng CREATE Act tinapos na ng Finance at Trade Departments
Pinirmahan na nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at Trade and Industry Secretary Ramon Lopez ang implementing rules and regulations (IRR) ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.
Sa darating na Hulyo 10 pa dapat ang deadline para sa IRR ng bagong batas, na layon matulungan ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na lubhang naapektuhan ng pandemya.
Pangunahing benepisyo ng batas ang pagbawas sa corporate income tax (CIT) rate sa mga negosyo.
Kumpiyansa ang dalawang kagawaran na makakahikayat din ng mga bagong mamumuhunan sa bansa ang batas.
Itinuturing ang CREATE Act na pinakamalaking stimulus package para sa mga negosyo dahil aabot sa P1 trilyon ang magiging ‘tax relief’ sa mga negosyo sa susunod na isang dekada.
Nakasaad sa batas na 10 porsiyento ang makakaltas sa corporate income tax ng mga korporasyon na may taxable income na P5 milyon pababa at may kabuuang assets na hindi hihigit sa P100 milyon.
Samantala, 25 porsiyento naman ang sisingilin na lang na CIT sa mga malalaking kompaniya na may assets na P100 milyon pataas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.