Dalawa patay sa pagsabog sa Sulu

By Dona Dominguez, Inquirer Mindanao April 22, 2016 - 12:23 PM

jolo suluDalawa ang nasawi sa pagsabog na naganap sa isang bahay sa Jolo, Sulu kaninang umaga.

Maliban sa dalawang nasawi na kapwa miyembro ng pamilya Laho, siyam na iba pa ang sugatan.

Ayon kay Chief Inspector Junpikar Sittin, ng Jolo Police Station, naganap ang pagsabog sa loob mismo ng bahay ng nasabing pamilya.

Sinabi ni Sittin na patuloy pa ang imbestigasyon nila sa dahilan ng pagsabog.

Pero may mga alegasyon ang kapitbahay ng pamilya Laho na gumagamit umano sila ng dinamita sa pangingisda kaya posibleng ang mga dinamitang nakaimbak sa bahay nila ang sumabog.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.