Bilang ng lugar na nasa vaccine priority list lumubo

By Jan Escosio June 25, 2021 - 09:26 AM

Nadagdagan ng 10 lungsod ang listahan ng mga lugar sa bansa na ginawang prayoridad sa mga dumadating na bakuna.

Napabilang sa listahan ang mga lungsod ng Bacolod, Iloilo, Baguio, Cagayan de Oro, Zamboanga, Dumaguete, Tuguegarao, General Santos, Naga at Legazpi, na tinawag na ’10 Plus.’

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque ang hakbang ay para mapigilan pa ang paglobo ng bilang ng mga COVID 19 cases sa mga naturang lugar.

Bago ito, ang prayoridad sa mga COVID 19 vaccines ay ang Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Laguna, Cavite, Pampanga at Rizal.

Paglilinaw ni Roque, hindi nangangahulagan ito at hindi pinahahalagahan ang ibang mga lugar sa bansa, ngunit aniya kailangan lang bigyan prayoridad sa mga bakuna ang mga lugar na nagkakaroon ng ‘case surge.’

Sa ngayon, kapansin-pansin na dumadami ang tinatamaan ng nakakamatay na sakit sa Visayas at Mindanao.

Kahapon, nakapagtala ang DOH ng karagdagang 6,043 cases sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.