Mayor Duterte dapat magpasuri sa psychiatrist ayon kay Binay
Pinayuhan ni United Nationalist Alliance (UNA) standard-bearer at Vice President Jejomar Binay si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na magpasailalim full mental and physical examination sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Binay, maaring naka-aapekto kay Duterte ang nararanasan nitong stress sa kampanya. “Hinihikayat ko si Mister Duterte na magpatingin na agad sa psychiatrist. Mukhang sobra na siyang naaapektuhan ng stress sa kampanya,” ani Binay.
Ani Binay, pwedeng maka-apekto sa isip at pangangatawan ni Duterte ang pagod sa kampanya. Ang alkalde aniya mismo ang umamin na may sakit ito.
Hinimok pa ng pangalawang pangulo si Duterte na sa Makati magpa-duktor para maka-avail ng libreng serbisyo.
Umaasa si Binay na hindi lalala ang mental at physical condition ng alkalde dahil sa stress ng kampanya at sa mga isyu laban sa kanya.
Sinabi nito na ang nakakalitong tugon ni Duterte sa reklamo ng Women’s Rights Advocates ay pwedeng senyales ng umano’y lumalalang sakit sa pag-iisip ng kalaban sa pagka-pangulo.
Dagdag ni binay, sa lahat ng kamalian ni Duterte ay wala man lamang itong nararamdamang guilt o pagsisisi. “No God-fearing person wishes harm on another person, even his political enemies,” dagdag pa ni Binay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.