Renal disease secondary to diabetes, sanhi ng pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino
“It is profound grief that on behalf of our family, I am confirming that our brother, Benigno “Noynoy” S. Aquino III died peacefully in his sleep.”
Ito ang naging kumpirmasyon ng pamilya Aquino ukol ang pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, Huwebes ng hapon.
Sa binasang pahayag ni Pinky Aquino-Abellada, pumanaw ang dating punong ehekutibo bandang 6:30 ng umaga.
Inihayag ng pamilya na renal disease secondary to diabetes ang naging sanhi ng pagpanaw ng dating pangulo.
Wala aniyang salita ang makakapagsalarawan sa lungkot na kanilang nararamdaman.
Sinabi rin nito na hindi nila alam kung gaano katagal bago nila matatanggap ang realidad na pumanaw na ang dating pangulo.
“Mission accomplished Noy. Be happy now with Dad and Mom. We love you and we are so blessed to have had the privilege to have had you as our brother. We’ll miss you forever,” saad pa nito.
Binanggit din ng pamilya kung paano nagsilbi si Aquino sa mamamayang Pilipino.
Nagpasalamat din ang pamilya sa mga kaanak, kaibigan at sa publiko para sa suporta sa dating Pangulo.
Si Aquino ang ika-15 pangulo ng Pilipinas.
Panoorin ang buong pahayag ng pamilya Aquino:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.